What's Hot

Andrea Torres, may contributions sa newly-built house ni Derek Ramsay

By Dianara Alegre
Published September 21, 2020 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Olivia Rodrigo at Louis Partridge, hiwalay na– report
Fire hits over 20 houses in separate incidents in Cebu City
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Derek Ramsay at Andrea Torres


Natutuwa si Andrea Torres dahil binigyan siya ng pagkakataon ni Derek Ramsay na makapagdesisyon din para sa newly-built house ng kanyang boyfriend.

Ibinahagi ni I Can See You: The Promise actress Andrea Torres na katuwang siya ng boyfriend niyang si Kapuso hunk Derek Ramsay sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay para sa newly-built house nito sa Alabang.

Sa panayam ng 24 Oras, inilahad ng aktres na natutuwa umano siya na binigyan siya ng pagkakataon ng aktor na makapagbigay ng opinyon para sa cozy at modern home ni Derek.

Source: andreaetorres (IG)

“Happy ako na binigyan niya ako ng chance na mamili ng furniture, mag-decide din do'n sa house. Halos lahat ng part do'n sa bahay parang mayroon kang contribution do'n.

“Kumabaga part ka ng process na 'yon. Pero siguro kung papipiliin ako, favorite ko 'yong kitchen papuntang dining. Kasi siyempre mahilig akong magluto, mahilig din ako mag-entertain,” aniya.

Bukod dito, si Derek din umano ang gumagabay sa kanya pagdating sa pamamahala sa online businesses niya.

Habang naka-quarantine ay sinimulan ni Andrea ang ilang negosyo kabilang na ang kanyang food business na Family Favorites.

“Mayroon akong na-discover sa sarili ko na mahilig pala ako mag-business and moving forward, gusto ko pala siyang ipagpatuloy.

“Nafu-fulfill din ako sa kanya. Maganda rin na na may kinabi-busy-han ako bukod dito sa first love ko na pag-aartista,” aniya.

Aminado naman si Andrea na nakararanas din siya ng problema sa pagnenegosyo at malaki ang naitutulong ni Derek sa kanya sa mga ganitong pagkakataon.

“Lagi naman siyang nadiyan talaga para suportahan ako and ine-encourage ako. Lalo na kapag nagpa-panic ako.

“Kasi ano ako, e, parang may pagka-perfectionist ako tsaka lahat pina-plano ko. So, kapag medyo hindi umaayon sa plano, medyo uncomfortable ako diyan.

“Si Derek 'yung laging 'Hindi okay lang 'yan.' Kasi si Derek naman, binabalanse niya ako. Very carefree,” dagdag pa ng aktres.

Source: andreaetorres (IG)

Samantala, bibida si Andrea sa bagong drama anthology na handog ng GMA Network, ang I Can See You.

Binubuo ito ng apat na mini-series, ang “Love On The Balcony,” “High Rise Lovers,” 'The Promise” at “Truly. Madly. Deadly.”

Kabilang ang aktres sa cast ng “The Promise” na pinagbibidahan din nina Paolo Contis, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi.

Mapapanood ang I Can See You simula September 28, sa GMA Telebabad.