What's Hot

Ronnie Liang pays tribute to fallen soldiers with own version of 'Awit Kawal'

By Dianara Alegre
Published September 21, 2020 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

ronnie liang on unang hirit


Ayon kay Ronnie Liang, malaking karangalan para sa kanya ang makapag-produce ng sariling bersyon ng "Awit Kawal."

Nag-release ang actor-singer at Philippine Army Reservist na si Ronnie Liang ng sarili bersyon ng awiting “Awit Kawal” upang bigyang-pugay ang mga sundalong binawian ng buhay sa Jolo bombing kamakailan.

Aniya, karangalan para sa kanya ang mabigyan ng pagkakataong bigyan ng sariling bersyon ang naturang awitin.

Source: ronnieliang (IG)

“It was a great privilege na pagkatiwalaan akong mag-record and gumawa ng bagong version ng 'Awit Kawal' para sa mga kababayan natin.

“To boost the morale ng mga kasundaluhan, lalo na sa mga fallen soldiers sa Sulu--yung mga nabombahan doon, nasabugan, namatay du'n.

“Nu'ng nabalitaan ko 'yon, I took the initiative to produce, to record and release it right away 'yung kantang "Awit Kawal,” aniya nang kapanayamin ng Unang Hirit.

Si Ronnie, na isa ring licensed pilot, ay naging bahagi ng Philippine Army noong February.