
Hindi pinalampas ni former child actress Xyriel Manabat ang pambabastos sa kanya matapos lumabas ang isang litrato niya na nakasuot ng crop top.
Maraming netizens ang hindi natuwa sa ilan na nagbibigay malisya sa matinong larawan ni Xyriel.
Isa na rito ang nagsabing “show off” siya kaya siya nababastos sa social media.
Pero giit ni Xyriel, “Kaya po pala may mga nambabastos kasi may mga nangungunsinti po na ang biktima ang mag-a-adjust at hindi ang utak manyak ng mga bastos.
“God bless [you] po. Praying for you to be enlightened and stop victim blaming po. I hope you never experience any sexualizing and sexual harassment.”
Source: xyrielmanabat (IG)
Source: xyrielmanabat (IG)
Sa interview ni Darla Sauler, sinagot ni Xyriel ang ilang “below-the-belt” comments na natatanggap niya tungkol sa kanyang pangangatawan.
Aniya, “Hindi po ako napa-flatter sa ibang comments kasi 'yung iba po below-the-belt and sana alam nila na sexual harassment is never okay po. Hindi po siya fine.
“Sana, minor man, girl or boy, ano mang age, gender, suot, sana po walang ganung kasi never po siya nakakatulong lalo na sa ganitong sitwasyon, sa pandemic. Madami pong pinagdadaanan na mental health problems. 'Wag na pong sumabay. Respect lang po.”