What's Hot

Rocco is 'tarantado' on Koreana

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 17, 2020 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Guarantee letters vouch for those in need, not political intervention —Rep. Puno
Fire razes 9 firecracker stalls in Barili, Cebu as buyer tests item
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News



After being a comedian and a host, Rocco will now test his dramatic skills again in GMA’s newest afternoon offering Koreana.
After being a comedian and a host, Rocco will now test his drama skills again in GMA’s newest afternoon offering Koreana. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Connie M. Tungul. stars Matagal ring hinintay ng Starstruck V alum na si Rocco Nacino ang kanyang muling pagsabak sa drama. Kaya naman nang amin siyang dalawin sa pictorial ng bago niyang show na Koreana, isang napakasayang Rocco ang sumalubong sa amin. “Excited ako kasi I am gonna portray a different character. Isa akong mayabang at may pagkatarantado. So I am excited for that,” Rocco relates. He will complete the love triangle in the show, which introduces the new team up of Kris Bernal and Steven Silva. Unang beses niyang makakatrabaho ang dalawa dito kaya naman masaya rin ang aktor na naibigay sa kanya ang role na ito. “Sigurado maraming matutuwang fans kasi iyong fans namin [ni Kris] parehas, gusto nila magkatambal kami for a project. This will be a dream come true for them,” sagot ni Rocco nang amin siyang tanungin kung ano’ng feeling niyang makakasama niya si Kris dito. Dagdag pa niya, “I’m excited na rin kasi noong una kong katrabaho si Kris sa Starstruck, iyong Kiss Flicks namin. From there, maraming nakakita na may spark, na may something na puwedeng gamitin sa isang show. Kaya excited na rin ako na makatrabaho siya. Lagi kaming nagkukulitan. Medyo close na rin kami. Excited na rin ako sa workshop, doon kami magba-bonding.” Bukod sa magandang leading lady niya, Rocco is also happy to be with Steven na batchmate niya sa Starstruck V. “Excited [ako]! Lagi kaming [Steven] nag-uusap tapos nagloloko-lokohan kami na in character kami kasi rivals kami kay Kris. Minsan nagsusungit-sungitan kami. Pero joke time lang. Minsan in character kami just for fun,” natutuwang pahayag ng binata. Kuwento pa ni Rocco, nagtutulungan rin sila ni Steven para mas mapabuti pa ang show. “Nagtatanong siya kung kumusta ba ang taping. Sabi ko iyong mga hirap, iyong puyat, mga kailangan mong gawin. I give him tips based on my experience,” aniya, “Tapos sabi ko sa kanya, ‘Pagdating sa Tagalog ‘wag kang mag-alala. Ako ang bahala sa’yo. Tutulungan kita diyan.’ Magkaibigan naman kami kaya kung ano ang kailangan niya, tutulungan ko siya para mapaganda lalo itong show na ito.” Despite his friendly nature at sa pagiging gentleman niya, Rocco will play the role of a tarantado in Koreana. Nakaka-relate ba naman siya dito? “Never naging personality ko ang mayabang na tarantado,” natatawang sagot ng binata, “Sa totoo lang, sa buong buhay ko hindi pa ako napapaaway o nakipagsuntukan, so medyo hindi pa ako nakaka-relate.” Abangan si Rocco sa Koreana which will begin airing today, October 11, right after Mars Ravelo’s Trudis Liit! Pag-usapan si Rocco sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here. Get more updates from Rocco through his Fanatxt service! Just type ROCCO (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, just type GOMMS (space) ROCCO (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.