
Hindi pinalampas ni Pambansang Abs Jak Roberto ang panahon para ipakita sa kanyang kasintahan na si Barbie Forteza na mayroon din siyang Channing Tatum-worthy abs.
Sa Instagram Story, ipinakita ni Barbie Forteza ang kaniyang personal message kay Jak na nagpapakita ng kanyang pagkamangha sa abs ng Hollywood actor na si Channing Tatum.
Kaya ang sagot naman ni Jak kay Barbie, isang picture na nagpapakita ng kanyang abs at sabay bitiw ng “Sorry, you're saying what Channing?”
Pabiro na reply ni Barbie: “Ay, iba din naman. Palaban! 'Di ko alam kung sa abs ako magugulat o sa English, e. @jakroberto.”
Source: barbaraforteza (IG)
Ibinahagi rin ni Jak ang Instagram Story ni Barbie at sinabing nahiya siya sa reply niya sa aktres.
Source: jakroberto (IG)
Sino sa tingin ninyo ang nanalo abs showdown ng dalawang aktor? Si Jak o si Channing?