Article Inside Page
Showbiz News
Approve kaya si Jean Garcia sa nagiging takbo ng love life ng kanyang anak na si Jennica ngayon?
Approve kaya si Jean Garcia sa nagiging takbo ng love life ng kanyang anak na si Jennica ngayon? Text by Karen de Castro. Photos by GMA Network.

Jennica Garcia is blooming these days, and hindi lamang ito dahil sa kanyang sabay-sabay na mga projects. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na may nagpapasaya kay Jennica ngayon. But how does her mom feel about her love life?
“Si Mommy, happy sa love life ko. Ako naman wala namang nasasabi sa’kin si Mama na hindi maganda. At yung sobrang nagpapasalamat ako sa kanya,” says Jennica. “Siyempre, di maiiwasan na may mga maririnig siya mula sa ibang tao. E ako naman e very open sa kanya. Nakakatuwa din na kung anong sabihin ko, yun ang paniniwalaan niya kasi si Mommy, pag may nakita naman ‘yan, wala naman akong magagawa e. Kahit ayoko, makikinig naman ako sa kanya.”
Ganun din naman ang masasabi ni Jean Garcia. “As always, hindi ako nakikialam,” she admits. “Standard answer yun pero yun ang totoo pagdating sa’ming dalawa. Kasi, sabi ko nga, ‘Jen, ako mangingialam lang ako kung meron akong nakikitang hindi, oo meron akong nararamdaman o nakikitang hindi maganda.”
Happy naman daw si Jennica ngayon sa nagiging takbo ng mga bagay. “Masaya ako, masaya talaga ako ngayon,” she says.
And of course, ito lang din naman ang mahihiling para sa kanya ng kanyang loving mom.
“I want my daughter to be happy also. Hindi na naman siya baby ‘di ba? Kumbaga dalaga din siya, and she’s single, and she’s beautiful. She’s very talented and she’s very sweet, alam mo yun, charming yung bata,” admits Jean. “I want her also to have, you know, yung merong nagpapaligaya sa kanya na hindi lang pamilya at mga kaibigan.”
Dagdag pa niya, “Kahit na sinong magulang ang tanungin mo, pag babae ang sa’yo, dapat siguro mas.. Mas, kung sino man ang nagmamahal na lalaki sa kanya, ang gusto ng magulang e alagaan ang anak niyang babae, hindi ba?”
May tiwala naman si Jean sa kanyang anak, at kahit na busy sila parehas sa kanila-kanilang schedules, with Jean taping
Ilumina and Jennica doing
Bantatay and
Jejemom, sinisigurado ni Jean na nagagabayan niya si Jennica.
“Si Jennica nag-iisip din siya, kasi she’s just a kid. Bata lang siya ‘di ba? Ang mga bata nagkakamali. Kung ako ngang matanda, nagkakamali, what more mga bata ‘di ba? Siguro ang kailangan lang talaga ay guidance. Kaya ako hindi ko kino-close, never kong kinlose yung communication naming dalawa,” she says.
Pag-usapan sina Jean at Jennica sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get the latest on Jean and Jennica.
Just text JEAN or JENNICA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper,
text GOMMS (space) JEAN or JENNICA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.