Article Inside Page
Showbiz News
Ahron Villena talks about his 'Survivor Philippines' experience and about the possibility of a future as an official Kapuso.
Ahron Villena talks about his 'Survivor Philippines' experience and about the possibility of a future as an official Kapuso. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio.

Masaya si Ahron Villena sa kanyang pagiging parte ng
Survivor Philippines Celebrity Showdown, and each week he survives he proves that he is one of the castaways to watch out for. Pinaghandaan nga ba niya ang kanyang pagsali dito sa
Survivor Philippines?
“Actually, pinaghandaan ko, pero even before naman, naggi-gym na talaga ako three or four times a week. And then sabi ko nga sa sarili ko, yung pagsali ko dito, yung paggi-gym ko may napuntahan,” he says. “Siyempre dito hubaran. Yung mga kasama ko dito, sina Aki [Akihiro Sato], sina Jon Hall, alam mo yung tipong matangkad, malalaki katawan, si Ervic [Vijandre], ‘di ba. Hindi ko gustong i-expose yung katawan ko, pero siyempre kailangan mong gawin. Sa mga challenges, hubaran. Kumbaga hindi ako nahihiya.”
But aside from the physical preparation na kailangan para sa game ay kinailangan din niyang ma-survive ang harsh conditions ng kanilang isla sa Thailand, and viewers can see how the tribes manage every week. May nagbago ba sa kanyang mga paniniwala at sa kanyang pamumuhay mula nang siya ay sumali sa
Survivor?
“Marami. Para kaming mga patay-gutom lagi na naghahanap ng pagkain. Kanin lang lagi yung kinakain namin. Tapos minsan sinusunog namin para magkaroon lang ng lasa, yung tutong. Ginagawa naming tutong para lang may lasa yung pagkain,” kuwento niya. “So parang, pag sa Maynila hindi ko naman kakainin yan e. Kumbaga doon mava-value mo talaga yung food. Mare-realize mo yung mga ginagawa ng mga street children dito talaga.”
Of course, dahil sa kanyang pagsali sa
Survivor Philippines ay hindi maiiwasang maipakilala siya bilang isang Kapuso. Ano kaya ang nararamdaman niya tungkol dito?
“Para sa’kin, yung pagkaka-introduce sa’kin, na nag-over the bakod, Kapuso na, on my part, ang ganda. Nakakataba ng puso, parang tinatanggap na ako ng GMA as a Kapuso, so sana talagang magtuloy-tuloy,” he reveals.
Samantala, thankful siya na siya ay nakasama sa
Survivor Philippines, and he is looking forward to what will happen in the future.
“Sabi ko nga, I can say na make or break sa’kin ito,” pag-amin niya. “Kumbaga nagsisimula ulit ako sa wala kasi bagong lipat ako, so tignan natin kung stepping stone ito.”
Abangan si Ahron at ang iba pang mga celebrity castaways sa
Survivor Philippines Celebrity Showdown, weeknights pagkatapos ng
24 Oras on GMA.
Pag-usapan si Ahron sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!