What's on TV

Shaira Diaz, bagong leading lady ni Ruru Madrid

By Dianara Alegre
Published October 8, 2020 12:17 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz at Ruru Madrid


Napaiyak sa tuwa si Shaira Diaz nang malamang siya ang magiging leading lady ni Ruru Madrid para sa bagong GMA Public Affairs series na 'Lolong.'

Napili na ang leading lady na gaganap na katambal ni Kapuso star Ruru Madrid para sa bagong proyekto ng GMA Public Affairs, ang Lolong.

Ang aktres na si Shaira Diaz ang bagong love interest ng aktor para sa pinakamalaking action-adventure series na gagawin ng GMA.

Samantala, dahil sa labis na tuwa ay napaiyak si Shaira nang sabihin sa kanyang sa kanya mapupunta ang role na inaasam niya.

“Nahihirapan po ako via Zoom na umarte pero sobrang nagpapasalamat ako sa prod, sa [GMA] Public Affairs for choosing me,” umiiyak na sabi niya nang makapanayam ni Kapuso broadcast journalist Lhar Santiago.

Shaira Diaz

Natuwa rin si Ruru dahil sa wakas ay nahanap na ang perfect artist para sa role.

“Finally may nahanap ng perfect para sa role and si Shaira 'yon. Hindi ko pa nakakatrabaho si Shaira pero lagi ko siyang napapanood at nagagalingan talaga ako sa kanya,” aniya.

Dahil siksik sa action ang Lolong, isa sa mga goal ng lead cast ay ang gawin nang personal ang action stunts at 'wag magpa-double.

“Every time na bibigyan nila ako ng project 100%. Minsan 'yung mga fight scene hindi talaga ako nagpapa-double,” ani Ruru.

Sabi pa ni Shaira, “Same kay Ruru, siguro dito hindi rin ako magpapa-double. Ganu'n ako ka-excited at kasaya. Seryoso ako na gusto kong ako 'yung gumagawa talaga lalo na 'pag action.”

Ruru Madrid

Source: rurumadrid8 (IG)

Abangan ang tambalang Ruru Madrid-Shaira Diaz sa Lolong, malapit na sa GMA.