GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, napiling aktres para sa title role ng 'First Yaya'

By Cherry Sun
Published October 13, 2020 10:50 AM PHT
Updated March 3, 2021 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Alamin ang reaksyon ni Sanya Lopez ngayong siya ang gaganap sa title role ng 'First Yaya' at makakatambal si Gabby Concepcion.

“Yes, confirmed na. Ako po si First Yaya. Ako po si Yaya Melody,” ito ang naging pahayag ni Sanya Lopez nang i-anunsyong siya ang napili para sa title role ng First Yaya.

Sanya Lopez

Nangyari ang kompirmasyong ito sa 24 Oras kagabi, October 12.

Pag-amin ni Sanya sa interview ni Lhar Santiago, “Siyempre po kabado and excited dahil alam ko na malaki 'yung ine-expect nila sa akin bilang inyong First Yaya.

“First time ko po kasi na binigyan po ako ng show sa primetime na ako po 'yung title role kaya naman talagang maraming-maraming salamat po nang sobra-sobra sa GMA po.”

Tiyak na paghahandaan daw ni Sanya ang kanyang bagong character, lalo na't makakatambal din niya sa programa si Gabby Concepcion.

Wika niya, “Nasa proseso pa po ako ng pagkilala kay Yaya Melody para po mas mabigyan ko ng buhay at justice 'yung role o 'yung pagkatao niya.”

Sambit din ng aktres, “Noong umpisa po talaga noong nalaman ko na si Mr. Gabby Concepcion 'yung makakasama ko dito, talaga sabi ko, 'Wow, Mr. Gabby Concepcion!' Kasi alam naman po natin na talagang gwapo at magaling na aktor si Mr. Gabby Concepcion. Kaya naman siguro sa part ko na lang, gagawin ko na lang is paghandaan ko 'yung bawat eksena para hindi po ako mapahiya sa kanya.”

Parehong hamon at blessing para kay Sanya ang pagkamit ng title role. Gayunpaman, hindi naman nalalayo sa kanya ang kanyang gagawing character.

Paliwanag niya, “'Yung Bulacan po, malaking source of inspiration po dahil dati po kasi inaalagaan ko rin po 'yung lola ko. Tapos sa Laguna naman po, may mga pinsan po akong mga baby pa. Nasubukan ko pong ako na 'yung nagpapalit na diaper nila, ako pa 'yung naglilinis, ako 'yung nag-aayos.”

Pangako rin niya sa mga manonoood, “Gagalingan ko bilang inyong First Yaya. Sana po ay mahalin ako ng mga tao, maraming makaka-relate sa akin, at papasayahin kayo ng First Yaya na ito.”

EXCLUSIVE: Sanya Lopez in Kapuso #ArtisTakeover

LOOK: Sanya Lopez's prettiest photos