What's Hot

Buhay ni Ramon Revilla Sr., tampok sa dokumentaryong 'Ramon'

By Marah Ruiz
Published October 13, 2020 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ramon documentary


Tampok ang buhay ni actor, politician, at icon ng Philippine cinema na si Ramon Revilla Sr. sa dokumentaryong 'Ramon.'

Nagtipon-tipon ang mga kaibigan, katrabaho, at mahal sa buhay ni Agimat of Philippine Cinema Ramon Revilla Sr. para alalahanin ang kanyang buhay sa dokumentaryong pinamagatang Ramon.

Tampok dito ang istorya ng kanyang kabataan hanggang sa kanyang simula at pagsikat bilang aktor at pulitiko.

Ramon Revilla Sr


Ipinanganak bilang José Acuña Bautista noong March 8, 1927, pero mas nakilala siya sa kanyang screen name na Ramon Revilla.

Matapos ang mahabang karera sa showbiz at pati sa pulitika, pumanaw siya sa edad na 93 noong June 26, 2020.

Sa dokumentaryong Ramon, mas makikilala pa siya bilang patriarch ng angkang Revilla. Makikita ang kanyang malaking impluwensya sa pamilya dahil marami sa kanyang mga anak at apo ang sumunod sa kanyang mga yapak sa parehong larangan ng showbiz at pulitika.

Ilan sa kanyang mga kaibigan din ang magbabahagi ng kanilang mga alaala at naging karanasan kasama ang dating senador, pati na ang kanyang kontribusyon sa pelikulang Pilipino.

Ang kanyang apong si Bryan Revilla ang nagsilbing direktor ng dokumentaryo.

Huwag palamapasin ang Ramon ngayong October 25, 9:00 PM sa GMA News TV.