What's Hot

Teacher-student love story nina Alden Richards at Jennylyn Mercado sa 'Wagas,' mapapanood ngayong October 18

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated October 16, 2020 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Jennylyn Mercado in Wagas


Balikan ang unang pagtatambal nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Ultimate Star Jennylyn Mercado sa 'Wagas.'

Noong 2013, tinampok sa drama romance anthology na 'Wagas' ang pag-iibigan ng gurong si Lolet Carangga at ang estudyante niyang si Arnel Secerio na binigyang buhay nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Alden Richards Jennylyn Mercado in Wagas

Sina Alden Richards at Jennylyn Mercado sa 'Wagas.'

Higit pa ang panghanga ng third year transferee student na si Arnel sa kanyang history teacher na si Lolet. Sa katunayan, nililigawan niya ito kahit na 12 taon ang agwat ng kanilang edad.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, mahuhulog rin ang loob ni Lolet kay Arnel pero may isang lang siyang hiling sa kanyang estudyante - hintayin ang tamang panahon.

Makakapaghintay kaya si Arnel para sa kanyang teacher na si Lolet?

Balikan ang unang pagtatambal ng dalawa sa pinakamagagaling na artista ng GMA Network na sina Alden Richards at Jennylyn Mercado sa 'Wagas,' ngayong October 18, pagkatapos ng All-Out Sundays.