
Isa na namang kaabang-abang na kuwento ang tampok sa Pasabog October ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, ang 'Napagkamalang Aswang'. Kasama sa cast ng nasabing episode sina Rita Avila, Mon Confiado, Arny Ross, Vance Larena, at Crystal Paras.
Si Rita Avila bilang Imelda, ang babaeng napagkamalang asawang. / Source: Wish Ko Lang
Ang 'Napagkamalang Aswang' episode ay tungkol kay Imelda (Rita Avila) na may sakit sa pag-iisip at mapagkakamalang aswang ng tsismosang kapitbahay na si Mayet (Arny Ross).
Dahil naman sa biglaang pagkamatay ng mga alagang hayop ng kapitbahay nilang si Miyo (Mon Confiado), maniniwala ito sa mga tsismis na si Imelda nga ay isang aswang.
Si Mon Confiado bilang Miyo sa 'Napagkamalang Aswang' episode. / Source: Wish Ko Lang
Ipagtatanggol naman si Imelda ng kaniyang mga anak na sina Lester (Vance Larena) at Pia (Crystal Paras) at sasabihing may sakit lamang sa pag-iisip ang kanilang ina dahil sa madalas sa pambubugbog ng kanilang ama na si Danilo (Michael Flores).
Sina Vance Larena, Rita Avila, at Crystal Paras sa 'Napagkamalang Aswang' episode. / Source: Wish Ko Lang
Ngunit nang biglang mamatay ang kapatid na babae ni Miyo at minsang makita ni Mayet si Imelda na pilit inaabot ang kaniyang tiyan, titindi ang maling paniniwala nila na aswang si Imelda at ito ang pumapatay sa kanilang lugar.
Dala ng galit, susugurin ni Miyo si Imelda sa kanilang bahay at pagsasaksakin ng labing-anim na beses.
Sa isang pahayag na ibinigay sa GMANetwork.com, nagbahagi ng pananaw tungkol sa mental heatlh sina Rita Avila at Michael Flores.
Ani Michael, “'Wag kayong judgemental. Mas kayo ang lumalabas na may mental health issue if you always judge people. Bad 'yan. Magbago na kayo.”
At ang simpleng payo naman ni Rita sa mga hindi nauunawanng lubos ang mga taong may sakit sa pag-iisip, “Magbasa para makaintindi.”
Hanga si Michael Flores sa kanilang young co-stars sa 'Napagkamalang Aswang' episode. / Source: 24 Oras
Sa kanilang panayam naman sa 24 Oras, sinabi ni Michael na kaabang-abang ang mga eksena at performances ng young actors na sina Vance Larena at Crystal Paras.
“Abangan nila yung death scene na 'yon and abangan nila yung performance nitong mga batang 'to sa death scene na 'yon. Grabe, ang galling.”
Thankful naman si Vance na naka-trabaho niya for the first time ang mga batikang aktor na sina Rita, Michael, at Mon Confiado sa 'Napagkamalang Aswang' episode.
“Welcoming po sila. Kumbaga generous silang artista at naggagabay din po sila sa mga baguhang artista kagaya ko po.”
Huwag palampasin ang isa na namang nakakaantig na episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.
RELATED:
Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!
Spread good vibes and hope this pandemic with 'Wish Ko Lang' Viber stickers