
Kabilang si Cassy Legaspi sa cast ng upcoming drama series na First Yaya, na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Source: cassy (IG)
Dahil ito first-ever role in a drama niya, sinabi ng young actress na excited na siya para rito at ngayon pa lang ay nag-iimpake na para sa nalalapit na lock-in taping ng serye.
Nang makapanayaman ng 24 Oras, ibinahagi ni Cassy na katulong niya ang kanyang mommy Carmina Villarroel sa pag-iimpake ng mga dapat na dalhin.
“Portable washing machine and portable dryer.
“Oh my gosh I'm really like my mom! Titas of Manila na 'yung conversation,” ani Cassy.
Makakatambal ni Cassy sa First Yaya ang anak ni actor-turned-politician Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.
Source: jdomagoso (IG)
Samantala, ang twin naman niyang si Mavy Legaspi ay abala sa hosting ng Sunday variety show na All-Out Sundays.