What's Hot

Solenn Heussaff, emosyonal sa kanyang pagbabalik-trabaho

By Maine Aquino
Published October 21, 2020 10:20 AM PHT
Updated October 21, 2020 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal sa kanyang first love; snippets ng kanilang wedding, ipinasilip
Family seeks justice after child killed in Dagupan explosion
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Solenn Heussaff


Hindi napigilang maiyak ni Solenn Heussaff nang ibahagi niya ang kanyang quarantine experience at pagbabalik-trabaho.

Naging emosyonal si Solenn Heussaff nang ibinahagi niya ang kanyang quarantine experience at pagbabalik-trabaho matapos ang halos isang taon.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin sa Zoomustahan kasama ang iba't ibang miyembro ng Kapuso Brigade.

Ayon kay Solenn, "I'm starting to feel normal again as a person and, siyempre, pagbalik ng work after almost one year na walang trabaho on showbiz.

"I'm starting to feel life is getting a little bit more normal, so masaya talaga ako."

Umaasa si Solenn na magugustuhan ng mga tao ang mapapanood sa Taste Buddies dahil kinailangan magkaroon ng ilang pagbabago para sa new normal.

"I hope you guys will see it na masaya at maganda 'yung show kahit kailangan naming mag-adapt sa new normal."

Dagdag pa niya ay sana maging safe ang lahat ngayong may pandemic.

"I hope that everyone is staying safe at home. I'm praying for all of us that this too shall pass very soon."

Payo rin ni Solenn ay mahirap man ang sitwasyon maghanap ng pagkakaabalahan ngayong quarantine period, kailangan pa rin maging creative ang bawat isa.

"For now, we just have to cooperate and become creative. Again, you just need to keep inspiring yourself. Kahit mahirap 'yung mga araw minsan kailangan talaga na pinu-push 'yung mga sarili n'yo para maghanap ng bagong activity or new learnings because you can do so much with this time, if you just take it into perspective."

Hindi naman napigilan ni Solenn na maluha sa gitna ng kanyang mensahe.

"Ako, I learned so much this 2020. Kahit mahirap sobrang happy."

"So yes. Oh my gosh ang weird, sorry guys. As you can see, mahirap."

Ikinuwento rin ni Solenn ang mga dapat abangan sa mga proyektong kanyang ginagawa.

Saad ng aktres, "Kasi ako, dahil maraming nangyari, and meron akong projects. I did a breastfeeding [clothing] line recently, and there is something that I am launching soon next year sa January. Sana it all falls into place."

Abangan ang pagbabalik ni Solenn sa Taste Buddies with Gil Cuerva soon on GMA News TV.

Related content:

Solenn Heussaff celebrates Nico Bolzico's birthday at the beach

The Bolzicos and The Youngs share how they fight first-time parents' anxieties