GMA Logo Rocco Nacino at Melissa Gohing
What's Hot

Rocco Nacino at Melissa Gohing, may balak nang magpakasal?

By Dianara Alegre
Published October 21, 2020 11:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino at Melissa Gohing


Ngayong nakalipat na si Rocco Nacino sa bago niyang bahay at maganda ang takbo ng relasyon nila ni Melissa Gohing, may plano na kaya siyang mag-propose rito?

Mas lalong tumibay at gumanda ang samahan nina Kapuso star Rocco Nacino at professional volleyball player Melissa Gohing dahil sa bago nilang hobby, ang paghahalaman.

Dahil sa community quarantine, nagkaroon ng oras sina Rocco at Melissa na mag-alaga ng mga halaman.

Source: nacinorocco (IG)

Kamakailan nga ay pumunta pa sila sa Plant Bazaar and Exhibit sa Barangay Alabang sa Muntilupa City para mag-ikot-ikot at bumili ng bagong plant babies.

“Parehas kami nag-enjoy lalo na si Melissa. 'Yan ang certified plantita talaga. Pero natuwa ako kasi habang umiikot, lahat ng tao ine-explain nila 'yung scientific names ng plants,” ani Rocco.

Natuwa naman mamili si Melissa dahil mura lamang at maraming iba't ibang uri ng halaman ang naroon.

“Marami ring mga rare plant, then very reasonable 'yung price kaya super worth it na pumunta,” aniya.

Buy plants for a good cause! 💚🌱Nico and I went to the 1st Halaman NaTIN plant bazaar & Exhibit in Barangay Alabang. Proceeds will be used to purchase tablets for students who need them for online classes. If you have time, it is open until October 27, 2020 from 8:00am to 7:00pm. Thank you so much Kapitana @tintinabas & Jason for inviting @nacinorocco & I. Happy Plant Shopping everyone!

Isang post na ibinahagi ni Melissa Gohing (@gohingmelissa) noong

Bukod sa paghahalaman ay abala rin si Melissa sa pagte-traning para sa pagbubukas ng liga ng volleyball sa bansa.

“Every day we still train so it's like normal pa rin for us and 'yung management namin, 'yung coaches namin, they make sure that we're okay,” aniya.

Samantala, dahil ngayong nakalipat na si Rocco sa bago niyang bahay at maganda ang takbo ng kanilang relasyon ni Melissa, may plano na kaya siyang mag-propose rito?

“Mag-ipon ulit. Tapos we'll see how it goes. Pero ang maganda ngayon may bago kaming bonding, pag-aalaga ng plants. Malaki 'yung maitutulong n'yan sa relationship namin,” sabi ni Rocco.