
Mas paghuhusayan pa raw ni Sanya Lopez () ang kanyang bagong hobby na pagguhit dahil nais niyang maglagay ng kanyang sariling artwork sa kanyang bagong bahay.
Nang naantala ang kanyang showbiz work dahil sa COVID-19 crisis, dalawa ang pinakapinagkaabalahan ni Sanya - ang paglalaro ng online game at ang pagguhit.
Bahagi niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Sobrang nakakatuwa kasi hindi ko alam na marunong pala ako mag-ML (Mobile Legends). Parang hindi naman ako masyado ma-games kasi nga mahirap. Kapag nag-games ako, sobra akong addicted doon sa mga ganun kaya tinanggal ko before. Pero nitong nagkaroon ng lockdown, nagkaroon ako ng time para sa sarili kong ibalik 'yun."
Dugtong din niya, “Na-discover ko sa sarili ko 'yung pagdo-drawing. So sa kanya ako naka-focus ngayon.”
Pag-amin ni Sanya, simula pagkabata ay nahiligan na niya ang pag-du-doodle ngunit ngayon ay mas gusto na niya ang aesthetic arts. Ang ginagawa rin daw niyang artworks ngayon ay sumasalamin ng kanyang mga nararamdaman at iniisip ngayong may quarantine.
Wika ng First Yaya star, “'Yung doodles ko, wala na 'yun eh kasi parang matagal ko nang ginawa 'yun. Bata pa yata ako, mga high school, ganyan. First year high school pa so medyo hindi ko na alam kung saan ko nailagay. 'Yung ngayon, nakakahiya pang ipakita kasi hindi pa ako magaling and gusto ko pa pong matuto. Parang 'yun, pinag-aaralan ko pa rin siya.
“Na-excite ako kasi gusto ko 'yung drawings eh. Sa ngayon ang mga ni-re-research ko puro 'yun nga mga aesthetic art, mga artsy, ganyan, 'yung mga usually nakikita natin sa Pinterest, ganun.”
Kuwento rin ni Sanya, mas determinado siyang pagbutihan pa ang kayang sketches dahil nais niyang isabit ito bilang isang decorative artwork sa kanyang bagong bahay.
Aniya, “Parang gusto ko rin kasi na like for example, may gawin man akong art doon sa bahay ko, meron akong gawing parang may isang art, siguro gusto ko art ko. Ganun, kaya medyo siguro nagkaroon din ako ng interest sa pagdo-drawing.”
Panoorin ang kanyang exclusive interview sa itaas.