What's Hot

Mark Herras, tanggap ba ng ama ni Ynna Asistio?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 17, 2020 7:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



We all know that Mark is well-loved by Ynna’s mom, Nadia Montenegro. Ngunit ganoon din ba ang saloobin ng ama ng dalaga?
We all know that Mark is well-loved by Ynna’s mom, Nadia Montenegro. Ngunit ganoon din ba ang saloobin ng ama ng dalaga? Text by Karen de Castro. Photos by Connie Tungul. stars Mark Herras and Ynna Asistio are reunited on television once again, and this time for a good cause – ang Puso ng Pasko: Artista Challenge. Dito ay marami silang pagdadaanang challenges for the sake of charity. Hindi naman nagkakalayo ang kanilang onscreen na pagsasama sa kanilang offscreen relationship. They have been through many challenges and intrigues, at ngayon they are going stronger than ever, at halos di na sila mapaghiwalay. “Nakakatuwa rin kasi humahanap talaga siya ng time. Kasi sabihin na natin, ang pahinga lang talaga niya is Tuesday, minsan may rehearsal ako, minsan ganyan, minsan inaantay niya ako sa bahay para magkita kami kahit sandal,” says Ynna. ”Pag kunyari, on-call siya sa taping, magte-text siya sa’min. Minsan ite-text niya si Mama [Nadia Montenegro], magdi-dinner siya, or kung wala man ako sa bahay, nandun lang siya sa bahay, kasama niya family ko.” Of course, nakakatulong naman sa pananatiling malakas ng kanilang relationship ang kanilang pagiging pribado. Kahit na maraming intriga ang naibato sa kanilang relationship in the past ay matibay pa rin ang kanilang pagsasama because they keep their relationship as private as they can sa showbiz. “Lagi namin ine-explain na hindi naman namin kailangang ibulgar sa buong mundo yung relasyon namin e. Pareho kaming artista. Gusto namin kahit papaano, merong something na private lang sa amin. Gusto namin, yung relasyon namin, ayaw naming masira yun,” paliwanag ng dalaga. It is common knowledge na gustong-gusto naman ni Nadia si Mark para sa kanyang anak. But how does the man of the house – ang ama ni Ynna – feel about their relationship? “Si Daddy.. Ang nakakatuwa kay Daddy kasi nga, dati, sinasabi ko, may kasama lang kaming lalake, iba na ang itsura niya. So nakakatuwa kasi tanggap na tanggap niya si Mark. Siguro naman kasi hello, three years nang nagpupunta yung tao sa bahay,” pagbubunyag niya. “And para magpakita, kausapin niya, tignan niya sa mata yung tatay ko, alam ng tatay ko na maganda naman yung intensiyon ng tao so wala rin namang reason para magalit siya kay Mark dahil okay naman e, okay naman lahat ng nangyayari, and sa tatay ko rin naman nanggaling na parte na si Mark ng family. Nakakagulat ‘yon dahil nga sobrang old-fashioned nga ni Daddy na para marinig mo na galing sa tatay mo yun, parang ano na talaga, importante na talaga si Mark sa family.” Meanwhile, you have the chance to see Mark and Ynna together yet again sa iGMA Live Chat! Sasagutin nila ang inyong mga katanungan at makiki-chat sila personally today, December 8, 2010 from 1 p.m. to 3 p.m. kaya naman make sure to prepare your questions now. Makakasama rin nila ang kanilang special guest dito na kasama rin nila sa Puso ng Pasko, si Gwen Zamora. Just log in to www.igma.tv/livechat to join this exclusive event. Chat na! Pag-usapan si Ynna sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!