What's Hot

Kokoy de Santos and Elijah Canlas react to thirst tweets about them

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 25, 2020 3:10 PM PHT
Updated October 26, 2020 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

kokoy de santos and elijah canlas


Kilig na kilig ang netizens nang basahin at mag-react sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa ilang thirst tweets tungkol sa kanila.

Maraming fans ang kinilig sa video ng mga bida ng online boys' love (BL) series na Gameboys na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, kung saan binabasa nila ang ilang thirst tweets para sa isa't isa.

Binasa ni Kokoy ang isang tweet tungkol sa paghalik ni Elijah sa episode 10 ng Gameboys.

Naghalikan kasi ang mga karakter nila sa istorya, na sina Gavreel at Cairo pero, dahil sa pandemic, may plastic sa pagitan nila.

Pagbasa ni Kokoy, “Hoy parang… ang sarap humalik ni @elijahcanlas ha #Gameboysep10.”

“'Yung 13 hindi mo nakita? Mas masarap 'yun, dai.”

Tinutukoy ni Kokoy ang last episode ng season 1 ng Gameboys, kung saan naghalikan sina Gavreel at Cairo nang walang harang dahil pareho silang nag-negative sa swab test.

“'Yung 13 talaga, dai, lasap. Masarap talaga, hindi parang. Lasang isa pa.”

Panoorin kung paano nag-react sina Kokoy at Elijah sa kani-kanilang mga thirst tweets sa itaas. Kung hindi niyo mapanood, pumunta rito.

Sa comment section, hindi naitago ng ilang nakapanood ang kilig kina Kokoy at Elijah.


Kilig at pasasalamat ang laman ng komento ng mga nakapanood sa pagbabasa nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas ng thirst tweets ng isa't isa.

Kokoy de Santos at Elijah Canlas, tinanggap ang 'Gameboys' dahil sa isa't isa

Elijah Canlas reveals the things he likes about Kokoy de Santos