GMA Logo Benjamin Alves
What's Hot

Benjamin Alves, may patikim sa kanyang hot at romantic character sa 'Owe My Love'

By Cherry Sun
Published October 26, 2020 11:14 AM PHT
Updated October 27, 2020 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EU drops 2035 combustion engine ban as global EV shift faces reset
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Benjamin Alves


Malapit nang mag-taping muli si Benjamin Alves kasama ang kanyang leading lady na si Lovi Poe para sa 'Owe My Love.'

Humakot ng sari-saring reaksyon si Benjamin Alves nang kanyang ipasilip ang ginagawang paghahanda para sa kanyang character sa Owe My Love. (OML).

Benjamin Alves

Gaganap si Benjamin bilang si Doc Migs Alcancia sa Kapuso series na Owe My Love. Kahit naantala man ang taping para sa Kapuso series, pansin ang pagiging fit ng Kapuso hunk na akma para sa kanyang TV role.

Isang patikim ang ibinahagi ni Benjamin tungkol sa kanyang character.

Aniya, “Getting ready for all the scenes in OML.”

Getting ready for all the scenes in OML.

A post shared by Benjamin Alves (@benxalves) on

Umani ng iba't ibang reaksyon ang kanyang Instagram post, at pati ang kanyang tito at kapwa artistang si Piolo Pascual ay nag-iwan ng komento.

Sambit nito, “Ayan… ayan tayo eh.”

At tugon naman ni Benjamin, “Idol po kita ser.”

Benjamin Alves and Piolo Pascual s exchange on Instagram

Netizens reaction to Benjamin Alves s post

Netizens reaction to Benjamin Alves s post

Netizens reaction to Benjamin Alves s post

Maliban sa fit na pangangatawan ni Benjamin, lalo pang kinilig ang netizens sa kanya dahil sa kanyang sinimulang online flower shop ngayong quarantine. Kitang-kita rin kasi ang pagiging sweet at romantic ng aktor dahil sa kanyang piniling negosyo.

Ang kanyang hot at romantic personality rin kaya ang magpapa-ibig kay Sensen na gagampanan naman ni Lovi Poe?

Tutok lang sa GMANetwork.com para sa maiinit na updates tungkol sa Owe My Love!