GMA Logo Tekla and Donita Nose
What's Hot

Tekla, tinulungan ni Donita Nose sa pag-make-over ng condo

By Cherry Sun
Published October 27, 2020 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Tekla and Donita Nose


“Life must go on.” Pati sa paglilinis ng condo unit ay dinamayan ni Donita Nose si Tekla. Silipin ang naging make-over ng tirahan ng huli dito.

Unti-unting tinutulungan ni Donita Nose si Tekla sa pagbangon mula sa isyung kanyang kinasangkutan at sinimulan ito ng dalawa sa pag-aayos ng condo unit ng huli.

Donita Nose and Tekla

Noong nakaraang linggo ay inireklamo si Tekla ng kanyang ka-live in partner na si Michelle Bana-ag. Kaya naman, naisipan ni Donita Nose na dalawin ang kanyang katrabaho at kaibigan.

Sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel, ipinakita nina Donita Nose at Tekla ang nakakalokang kondisyon ng tirahan nito. Hindi naman nag-atubili si Donita Nose na tulungan ang TBATS host sa paglinis at pag-ayos ng kanyang condo.

Ipinakita nila ang kanilang ginawang make-over sa ikalawang bahagi ng kanilang vlog.

Matapos ang general cleaning na ginawa sa kanyang kwarto, banyo, kusina at iba pang bahagi ng kanyang condo, sinamahan ni Donita Nose si Tekla na bumili ng bagong gamit. Pinangunahan din niya ang pag-ayos ng mga silid nito pagbalik.

Labis naman ang pasasalamat ni Tekla sa ginawa ni Donita Nose. Naging tulong daw ang kanilang ginawang make-over upang mas makapag-isip-isip ang TBATS host at magsimulang mag-move on.

Aniya, “Parang nabura lahat ng bad vibes, 'yung iniisip mong dumi, lahat.

Patuloy din niya, “Ang hirap talaga magsimula. Nakikita mo ako 'di ba. Feeling ko tatalon na ako sa sobrang stressed, tignang mo itsura ko. Pero time to time… alam ko malalim ang sugat.. Ayaw ko nang ano (umiyak). Ma-o-overcome ko rin ito.”

Tinapos ng magka-tandem ang kanilang vlog sa paalalang nais lang nilang maghatid ng good vibes at tigilan na ang panghuhusga.

Panooring ang kabuuan ng kanilang vlog dito: