
Inamin ni Ariella Arida ang kanyang pinagdaanan noon bilang Miss Universe Philippines 2013 at ang nangyari sa Miss Universe pageant.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nabanggit ni Ariella na nagkaroon siya ng pag-aalinlangan bago ang Miss Universe pageant noong 2013.
"Noong Miss Universe parang 'yung prinay ko talaga, gusto kong mag-Miss Universe, gusto kong tumira sa New York. Pero night before that, parang nag-doubt ako sa sarili ko, na sabi ko, 'Kaya ko ba to be away with my family?'"
photo credit: @araarida
Dagdag pa Pinay beauty queen, "Yung sobrang excitement ko to win the crown, parang bigla akong nag-doubt, parang 'di ko alam kung kaya ko mag-stay away from the family or to stay in New York for one year. So, bigla akong nagkaroon ng gano'ng thinking."
Dahil dito, sabi ni Ariella,, "Feeling ko instead na sobrang hundred percent talaga. 'yung mindset ko na I want to win the crown, siguro naging 95 percent, 80 percent."
Naalala pa ng beauty queen-turned-actress na patuloy siyang nagdasal noon para sa Miss Universe pageant, ngunit may isang bagay umano siyang nakalimutan.
Kuwento niya, "Noong finals night pa sabi ko, basta makapasok ako sa semi-finals, ididiretso ko siya ng top five, which is 'yun naman talaga yung nangyari during that time.
"Noong nasa top five, 'yun 'yung regret ko.
"Parang ang pinag-pray ko lang sana makasagot ako, sana makapagbigay ako ng good answer.
"Nalimutan ko ipag-pray na, 'Lord, make me Miss Universe.'"
Sabi pa ni Ariella, pareho ang kanyang naging dasal noong sumali siya sa Binibining Pilipinas.
"Noong Binibini sabi ko top fifteen masaya na ako.
"But when I got into the semi-finals, sobrang pray na ako na, 'Lord, make me Miss Universe.
"Bigay ninyo po sa akin 'yung Binibining Pilipinas Universe.' 'Tapos binigay niya."
Sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento, tila may panghihinayang si Ariella nang makaligtaang ipagdasal na sana'y makuha niya ang Miss Universe crown.
"Noong Miss Universe naman, ipinagpray ko talaga makapasok ako ng top five, makasagot ako ng maayos, 'wag akong ma-rattle on stage, 'tapos nakalimutang kong ipag-pray na sana makuha ko 'yung crown. Sabi ko isang prayer lang, nando'n na."
Hindi man niya nakuha ang korona noon, masaya naman umano si Ariella dahil sunud-sunod ang nakuha niyang opportunities.
"Super happy naman na, lahat--with the journey, and the result, and the opportunities after that--super worth it."
Abangan si Ariella sa kanyang pagganap bilang Lotus Mandela soon sa The Lost Recipe.
IN PHOTOS: The cast of 'The Lost Recipe'
IN PHOTOS: Cast ng 'The Lost Recipe,' sumailalim sa isang kitchen training