GMA Logo super tekla
What's Hot

Tekla, labis ang pasasalamat sa gabay at suporta ng GMA Network

By Cherry Sun
Published October 29, 2020 2:55 PM PHT
Updated October 29, 2020 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

super tekla


Kabilang ang GMA Network at GMA Artist Center sa mga nagbigay ng lakas ng loob kay Tekla sa kabila ng mga isyu at batikos na kanyang hinarap.

Lubos-lubos ang pasasalamat ni Tekla sa natanggap na gabay at suporta mula sa GMA Network at sa GMA Artist Center nang kanyang hinarap ang mga akusasyon ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Bana-ag.

super tekla

Nitong nakaraang linggo, nasubok ang komediyante nang ireklamo siya ni Michelle. Madiin niyang pinabulaanan ang mga paratang laban sa kanya. Makaraan ang ilang araw at pag-uusap, sinabi rin ng kanyang dating live-in partner na hindi na nito itutuloy ang pagsampa ng kaso.

Nanawagan na rin si Tekla na itigil na ng netizens ang pamba-bash. Pinasalamatan din niya ang kanyang mga kaibigan tulad nina Donita Nose at Boobay na hindi siya iniwanan kahit mabigat ang kanyang pinagdadaanan.

Sa bagong Facebook post ng TBATS host, nagpaabot din siya ng mensahe para sa kanyang home network at management.

Aniya, “Sa pinagdaanan kong pagsubok na ito, gusto kong magpasalamat sa aking tahanan GMA Network, sa patnubay at paggabay sa akin. Lubos akong nagpapasalamat at hindi nila ako pinabayaan. GMA bosses, Artist Center at sa aking mga kasamahan sa trabaho at kapwa artista na alam kong nanalangin at nagbigay ng lakas loob sa akin. Maraming maraming salamat.”

Ngayon ay hiwalay na sina Tekla at Michelle. Tutulungan din daw ni Raffy Tulfo ang komedyante na makuha ang kustodiya ni baby Angelo kung mapatunayang tuloy pa rin ang bisyo ng dati nitong live-in partner.