
Naging parte ng special Halloween episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang ilang entries ng netizens at ang kanilang mga nakakakilabot na kuwento.
Isa na rito ang istorya ng fan ng show na nagsabing 'di umano ay may isang batang dumaan sa likod ng kanyang pinsan habang nagti-TikTok na kuhang-kuha sa camera.
Aniya, “Ilang dekada na ang bahay ng lola ko. Matagal na rin po kaming may napapansin tuwing hatinggabi na parang may tumatakbo sa kuwarto.
“Hanggang nag-TikTok 'yung pinsan ko sa lumang salamin, may nakunan siyang batang multo!”
Panoorin ang video na ito at ilan pang entries ng netizens sa 'Gabi ng Lagim VIII' ng KMJS:
Patuloy na panoorin ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo, sa GMA-7.