
Ipakikita ni Chef Anton Amoncio ang kanyang talento sa pag-arte sa GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost Recipe.
Si Chef Anton ay makikilala natin sa The Lost Recipe bilang isa sa mga chef na makakasama nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos. Gagampanan niya ang role ni Chef Filbert.
Kuwento ni Chef Anton sa GMANetwork.com, sinubok niya ang pag-arte dahil sa lumaki siya bilang fan ng mga soap opera. Ayon pa sa kanya, nakamamangha umano ang pagganap ng mga aktor sa kanilang mga roles at ang pagiging inspirasyon nila sa mga manonood.
Photo source: @antonamoncio
"I grew up watching soap operas with my grandmother, and have always been fascinated with how actors play their roles realistically. It's amazing how people can relate to characters they see on screen and get inspired by them."
Sa likod naman ng camera, magiging abala rin si Chef Anton bilang consultant ng The Lost Recipe. Nagpapasalamat siya dahil sa pagkakataong ito na ibinigay sa kanya ng mga bumubuo ng programa.
"First of all, super nagpapasalamat po ako sa mga tao behind the show like sina Sir Mychal. It's such an honor to be a part of it po. I worked closely with Sir Erwin (head writer), and his talented team to shape out the roles and characters sa kitchen."
Kaugnay nito, naghanda si Chef Anton ng curriculum para matulungan ang cast ng The Lost Recipe.
"Gumawa din po ako ng curriculum para maturuan ung mga fellow castmates ko po sa basics ng pagluluto and kung ano po 'yung mentality ng pagiging isang chef."
Iikot ang istorya ng The Lost Recipe sa isang iconic na adobo, pero ayon kay Chef Anton, marami pang dapat abangan na dishes sa kanilang show.
"Medyo madami dami pong recipes ang ilalabas namin dito, may mga meaning po ang bawat recipes at nakabase din po mga ito sa characters na magluluto ito. Sana ma-enjoy po ng mga manonood yung mga ihahandog namin sa kanila."
Abangan si Chef Anton sa nalalapit na pagsisimula ng The Lost Recipe soon sa GMA News TV.
'The Lost Recipe's first teaser earns praises from netizens
'The Lost Recipe' stars Mikee Quintos, Kelvin Miranda, Paul Salas, Thea Tolentino train with a real chef