What's Hot

Boobay, inalay kay Tekla ang kanyang birthday wish

By Cherry Sun
Published November 4, 2020 5:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos 'unbothered' by impeachment complaint
NCAA announces S101 volleyball tourney groupings, updates
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay and Tekla


Ang ating fun-tastic duo sa 'TBATS,' ating #FriendshipGoals din! Silipin ang emotional moment sa pagitan nina Boobay at Tekla rito.

Magse-celebrate ng kanyang kaarawan si Boobay sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) pero ang kanyang birthday wish ay para raw sa kanyang co-host na si Tekla.

Boobay and Tekla

Birthday special ni Boobay ang mapapanood sa TBATS ngayong Linggo, November 8. Pero kahit siya ang may kaarawan, inaalay niya ang kanyang hiling para kay Tekla.

Sambit niya sa kanyang co-host, “Ibibigay ko sa 'yo 'yung birthday wish ko ngayong birthday ko ah.”

Naging tugon naman ni Tekla, “Uy, ano ka ba. This is your moment.”

Gayunpaman, pinilit ni Boobay na para kay Tekla ang kanyang birthday wish.

Ano kaya ito? Panoorin ang video sa itaas at huwag palampasin ang TBATS ngayong Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!