
Nag-trending worldwide ang ikawalong episode ng taun-taong inaabangang “Gabi ng Lagim” segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na ipinalabas nitong Linggo ng gabi, November 1.
Tampok sa episode ang limang nakakikilabot na kwento ng mga taong nakaranas ng kahindik-hindik na mga kababalaghan.
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (FB)
Hindi naman nagpahuli ang publiko dahil nagbahagi rin sila ng kani-kanilang mga nakatatakot na kwento.
Bukod dito, dahil likas na masayahin ang mga Pinoy, hindi rin nawala ang iba't ibang paandar ng viewers kaugnay ng katatapos lamang na episode.
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (FB)