
Magbabalik telebisyon ang groundbreaking Kapuso drama na My Korean Jagiya sa GMA Telebabad ngayong November 23!
Ayon sa Instagram post ng direktor ng show na si Direk Mark Reyes, hindi raw siya makapaniwala sa pagbabalik ng My Korean Jagiya, lalo na't kasalukuyan ding umeere ang isa pa niyang show na Encantadia.
Aniya, "I never thought 2 of my favorite past works will be airing almost back to back on #gmaprimetime starting November 23."
Nagkomento naman ang leading man ng My Korean Jagiya, ang South Korean entertainer na si Alexander Lee, sa naturang post ni Direk Mark.
Ayon kay Xander, "Lots of good memories with u Direk! Miss my MKJ family na~"
Abangan ang pagbabalik ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad simula November 23, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation).