
Ibinahagi ni Kelvin Miranda ang kanyang nararamdaman bilang isang aktor kapag siya ay tumatanggap siya ng bagong role.
Pag-amin ni Kelvin, may takot siyang nararamdaman dahil kailangang maging responsable ang isang aktor sa pagtanggap ng kahit anong role.
"Nakakatakot kasi 'yung responsibility mo as a person e kailangan maayos, kasi magre-reflect ito sa show. Bukod doon, 'yung responsibility mo rin as an actor. Kailangan dikit 'yung pagiging ikaw at sa pagiging aktor."
Saad pa ng The Lost Recipe actor nais niyang maging maingat dahil naniniwala siyang makakaapekto ano man ang kanyang gawin sa kanyang trabaho.
"Kailangan maging maingat ka, kasi nandoon 'yung pressure po sa akin. Kasi konting mali ko lang, puwedeng makaapekto ito sa show to, sa mga co-actors ko."
Inamin ni Kelvin na may kaba siyang nararamdaman ngayon dahil first lead role niya with Mikee Quintos sa fantasy-romance series ng GMA Public Affairs.
Photo source: The Lost Recipe
"Nakakakaba kasi ngayon first time ko lang po tumanggap sa GMA ng ganitong klaseng project na kami po ni Mikee yung bida. Kaya nakakapanibago sa pakiramdam.
Dugtong pa ni Kelvin, "Kahit na matagal na panahon ang hinintay ko na makamit ko ito, ay talaga namang nagbubunga rin po 'yung mga itinanim namin. ...Nakakakaba, nakakatakot, masaya. 'Yun po. Mixed emotions po siya ngayon."
Mapapanood sina Kelvin at Mikee sa The Lost Recipe soon sa GMA News TV.
Related links:
Kelvin Miranda, ikinalungkot ang mga pagbabago sa showbiz dahil sa COVID-19
Mikee Quintos and Kelvin Miranda share their preparation for 'The Lost Recipe'