
Magkaaway man sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Neil Sese sa award-winning series na Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), tag team naman sila sa tunay buhay lalo na pagdating sa pagnenegosyo.
Ito ang pahayag ng tinaguriang “Big Boss” matapos nilang mag-deliver ng seafood na ibinebenta ni Neil, sa pamamagitan ng delivery app na DingDong PH.
“Rivals on TV, but tag team (and proud) delivery boys in real life. Happy to have delivered fresh seafood from K&G Seafood with Neil Sese today. Ingat tayong lahat sa kalsada sa paparating na bagyo. #YouRingItWeBringIt,” post ni Dingdong sa social media.
Umarangkada na ang delivery business ng aktor nitong Setyembre at katuwang ni Dingdong dito ang grupo ng mga displaced worker ng film at TV industry na nagsisilbing mga delivery rider.
Noong June inanusyo ng aktor ang pagbubukas ng naturang delivery app business, na layong matulungan ang mga entertainment industry worker na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Source: dongdantes (IG)