What's Hot

May pasabog sa pagtatapos ng taon sa Korean romance drama na 'VIP'

By Marah Ruiz
Published November 11, 2020 3:53 PM PHT
Updated November 11, 2020 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

VIP on GMA Heart of Asia


Ang intense Korean romance drama na 'VIP' ang huling pasabog ng GMA Heart of Asia ngayong 2020.

Sinong mag-aakala na maraming nakatagong mga sikreto sa likod ng mga maniningning na ilaw at mamahaling produkto ng isang high-end department store?

Ito ang kuwentong hatid ng huling pasabog ng GMA Heart of Asia ngayong 2020, ang intense Korean romance drama na VIP.

Nakatutok ang kuwento kay Janine (Jang Na-ra), na nagtatrabaho sa VIP management team ng Sung Un Department Store.

Kasama niya sa trabaho ang kanyang asawang si Simon (Lee Sang-yoon) na team manager ng management team.

Tinitingala ang dalawa dahil sa matatayog nilang career at mala-perpektong pagsasama.

Pero masisira ang ilusyong ito nang makatanggap si Janine ng isang anonymous text message na nagsasabing may affair si Simon sa isa sa mga babaeng katrabaho nila sa VIP management team.

VIP on GMA Heart of Asia


Ibabaling ni Janine ang suspetsa sa tatlong babae sa team--ang bagong recruit na si Yuri (Pyo Ye-jin) na pinaghihinalaang mistress ng vice president ng Sung Un Department store, si Eula (Lee Chung-ah) na kababalik lang mula sa isang taong pamamahinga matapos ang isang iskandalo kasama ang isa sa mga boss ng kumpanya, at si Mina (Kwak Sun-young) na desperadong makakuha ng promotion pero laging nalalampasan dahil madalas naka-maternity leave.

Sa tradisyon na pagbibigay ng pinakamagaganda at dekalidad ng K-drama sa primetime, huwag palamapasin ang huli at pinakamatinding handog ng GMA Heart of Asia ngayong taon.

Abangan ang VIP, soon on GMA Telebabad.