
Number one oppa ng veteran entertainment columnist at former Startalk host na si Lolit Solis ang My Love From The Star actor na si Kim Soo-hyun.
Sa Instagram post ni Manay Lolit, inisa-isa niya ang rason kung bakit “bias” siya sa Korean heartthrob.
Napanood recently si Soo-hyun sa hit K-drama series na It's Okay to Not Be Okay (IOTNBO).
Ayon sa kanya, “Una kong korean crush dahil sa Love from the Star si Kim So Hyun Salve.
“Napalitan ni Song JungKi ng lumabas ang Descendant, tapos all the way na ako kay Jo InSung, at medyo kay Nam Joo Hyuk, Lee JungHo, at ngayon nga si Kim WooBin. Pero solid Jo InSung parin ako, siya sng true love ko, hah hah.
“Ang daming mga korean stars na nagpunta dito pero hindi ko hinangad na makita, except kay Kim So Hyun dahil aside from tanghali ginawa ang meet and greet una ko naman naging crush.”
Hindi rin daw makakalimutan ni Manay nang makita niya ang Korean actor na mukhang mabait at friendly.
Aniya, “Pero isa bagay na napansin ko mukha siyang mabait at people friendly. Dahil isa akong luka lukang matanda na tili ng tili at nag la love sign ng korean at napapatingin siya sa kung saan tayo naka upo, parang natatawa siya na makita isang senior citizen na sumisigaw ng I love you Kim So Hyun.
"Grabe talaga, at least nakita ko siya.”
Dagdag pa ng entertainment columnist, nanumbalik ang pagiging fan niya nang mapanood niya si Soo-hyun bilang Moon Gang-tae sa IOTNBO.
“Medyo nagbalik ang konting crush ko uli kay Kim So Hyun sa It's Okey kaya naalala ko ito ngayon. Iyon fangirling ko sa edad na 73 talagang isa sa rason siguro kaya hindi ako pinapasukan ng boredom. Iyon kagagahan ko na pag may pinapanuod ako feeling ko ako ang bidang babae, kalokah.”
Kaya mga K-drama fans, sinong Korean actor ang paborito n'yo?
Kim Soo Hyun and Hyun Bin are South Korea's highest paid actors
IN PHOTOS: Kim Soo-hyun's TV roles before 'It's Okay To Not Be Okay'