
Ipinahayag ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang kanyang opinyon hinggil sa "Filipino resilience" nang makapanayam ni GMA News Pillar Jessica Soho para sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Natalakay sa panayam ang ilan sa mga “bagyong” pinagdaanan ng beauty queen sa kanyang buhay.
Nabanggit ni Rabiya ang naging karanasan niya at ng pamilya niya nang hagupitin ng Bagyong Yolanda ang kanyang hometown, ang Iloilo.
“Literal na bagyo talaga during Yolanda. Kasi natamaan talaga 'yung hometown ko, 'yung Balasan Iloilo. Mahirap siya kasi nakita ko 'yung Mama ko umiiyak,” aniya.
Napinsala umano ng bagyo ang kanilang tirahan at umabot pa sa puntong gumawa sila ng iba't ibang paraan para manawagan ng tulong.
“Nagsulat kami sa may kalsada na we need help, we need food, kaya sabi ko ngayon na may Bagyong Rolly 'tsaka Ulysses, ramdam na ramdam ko talaga 'yung paghihirap ng mga kababayan natin," aniya.
Tinalakay din niya ang usapin tungkol sa Filipino resilience pagdating sa mga ganitong klaseng sakuna.
“'Yung resiliency, parang overused siya to the point na sometimes we don't look at the problems to find the solution and we just tell other people na all we need to do is have a positive mindset and we're gonna overcome this.
“But where are the tangible problems to help the people being affected by such situation? So, yes, iba 'pag may positive outlook but again kailangan natin magkaroon ng tangible and visible solution.
“Hindi tayo magle-learn, hindi natin mapapabuti 'yung community natin if puro resiliency na lang," aniya pa.
Panoorin ang pagtatampok Kapuso Mo, Jessica Soho kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo rito: