GMA Logo rabiya mateo on kmjs
What's Hot

Rabiya Mateo, emosyonal nang mapag-usapan ang kanyang ama sa 'KMJS'

By Dianara Alegre
Published November 16, 2020 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From Australia to Europe, countries move to curb children's social media access
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

rabiya mateo on kmjs


Umaasa si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na muling makita at makausap ang kanyang ama na nawalay nang halos dalawang dekada sa kanila sa pamamagitan ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo nang magkuwento tungkol sa Indian national niyang ama sa panayam sa kanya ni GMA News Pillar Jessica Soho para sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Ayon sa 24-year-old beauty queen, lima o anim na taong gulang lamang siya nang abandonahin sila ng tatay niya na isang “American citizen pero Indian by race,” si Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi.

Rabiya Mateo

Source: rabiyamateo (IG)

“He was studying medicine. The plan was just to take his licensure examination sa Chicago para madala niya kami.

"Pero six months na parang nagpapadala tapos biglang natigil,” ani Rabiya.

Tinangka rin nila umano na makipag-ugnayan sa mga kapatid ng tatay niya na nasa Pilipinas ngunit hindi na nila nakita ang mga ito.

“Pumunta kami sa du'n sa apartment ng mga kapatid ni Daddy tapos pagdating naming du'n sa apartment, wala na rin du'n 'yung mga kapatid ni Daddy. So, it was a plan to leave us behind,” aniya.

Ngunit kahit lumaking hindi kapiling ang kanyang ama, nananatili namang positibo ang imahe nito sa kanya.

“'Yung Mama ko, parang never niya sinisi si Daddy na, 'Kasi 'yung tatay n'yo ganito.'

“Sasabihin niya, 'Nahihirapan kayo mag-aral pero 'yung Daddy n'yo dati itlog at kanin lang din 'yung kinakain pero grabe 'yun mag-aral para lang maging doktor.

“Ganu'n talaga 'yung idea ko of my dad. Baka someday pupunta si Daddy, kakatok siya sa bahay, babalik na siya,” dagdag pa ni Rabiya.

Hindi rin niya naiwasang maging emosyonal nang sabihing niyang ang tatay niya ang naging motivation niya para magpursige sa buhay.

“Pero more siya kasi as inspiration and motivation rather than the hatred or dragging my life down.

"Sinasabi ko na kailangan ko mag-aral nang mabuti kasi 'pag nakita ako ni Daddy, I'm sure magiging proud talaga siya,” aniya.

Rabiya Mateo at kanyang ama

Ibinahagi rin ng beauty queen mula sa Iloilo na bukas pa rin siya sa ideya na muling makita at makasama ang kanyang ama.

“Ramdam ko deep down in my heart na one of these days magkikita kami ni Daddy, and with Miss Universe nga, sabi ko, 'Thank you talaga, Lord at binigay Mo sa 'kin' kasi hindi lang mai-improve 'yung life ng family ko sa Iloilo, pero chance ko na rin 'to para ma-reconnect sa biological dad ko,” sabi pa niya.

Dahil dito, ginamit na rin ni Rabiya ang pagkakataon para humingi ng tulong sa publiko na mahanap ang kanyang ama sa pamamagitan ng programa.

“Sana through 'KMJS,' makita niya and malaman niya na 'yung anak, Miss Universe Philippines na.”

Panoorin ang buong panayam ni Jessica Soho kay Rabiya Mateo sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo launches donation drive for typhoon victims on her birthday

Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo denounces allegations of cheating: 'I played the game right and fair'