
Kabilang si Kapuso actress Anna Vicente sa bagong seryeng pagbibidahan ng tambalang Rita Daniela at Ken Chan, ang “Ang Dalawang Ikaw.”
Gaganap si Anna bilang si Beatriz sa serye, ang babaeng magpapahirap sa mga karakter nina Rita at Ken.
Gagampanan naman ni Ken ng role ng isang lalaking may dissociative identity disorder, isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkakaroon siya ng dalawang katauhan--sina Nelson at Tyler.
Si Rita naman ay si Mia, asawa ni Nelson. Dahil sa split personality ng kanyang mister ay magkakaroon siya ng kaagaw sa puso nito.
Source: itsannavicente (IG)
“'Yung character ko si Beatriz, parang medyo malayo siya, e.
"Strong personality siya, so, parang ako medyo malaking preparation. We're going to have series of workshops din for the role,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.
Nakahanda rin daw siya sakaling makatanggap siya ng kritisismo dahil sa pagganap sa kontrabida role.
“Kasama naman talaga 'yan when you're the villain pero siyempre ako mismo super fan ako ng RitKen, so, sana peace 'yung mga bashers po.”
Source: missritadaniela (IG)
Samantala, ibinahagi rin ni Anna na itinuturing niyang blessing ang proyekto, lalo na dahil natanggap niya ito sa gitna ng pandemya.
“Blessing kasi siyempre nu'ng pandemic, medyo nagkaroon ng kaunting sadness sa buhay natin, actually everybody naman pero this is a blessing for me na I got my first lead role with GMA,” aniya.
Aniya pa, excited na siyang makatrabaho ang RitKen dahil fan siya ng tambalan nila.
“I'm a super fan of RitKen kasi pinapanood ko 'yung show nila before 'yung kay baby Angelo, sobrang gusto ko 'yon and 'One of the Baes.'
“I'm so excited to work with them 'cause si Rita is my schoolmate tapos si Ken Chan, nakasama ko siya sa before sa 'Tween Academy,” dagdag pa niya.
Panoorin ang buong 24 Oras report sa video sa itaas. Kung hindi naglo-load nang maayos ang video, maaari itong panoorin DITO.