
Mainit na pinag-uusapan ngayon ang relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres makaraang mapansin ng netizens nitong Lunes, November 16, na in-unfollow ng aktres ang aktor sa Instagram (IG), dahilan para maglabasan ang mga espekulasyon na break na umano ang Kapuso couple.
Binura ni Andrea ang lahat ng couple pictures nila ni Derek sa kanyang IG. In-unfollow na rin ni Derek ang aktres at binura na rin ng aktor ang kanilang pictures maliban sa isa.
Ayon sa ulat ng 24 Oras nitong Martes, November 17, nakakuha ng pahayag ang GMA News Online mula sa isang source na malapit kay Andrea tungkol sa isyu.
Anang source, bigyan muna raw ng space ang dalawa para suriin ang mga bagay-bagay sa kanilang relasyon.
Dagdag pa nito, “They are mature individuals and we trust that they will be able to do the right things and make the right decisions."
Matatandaang kinumpirma nina Andrea at Derek ang kanilang relasyon noong September 2019, matapos magtambal sa Kapuso primetime series na The Better Woman.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang bawat kampo tungkol sa isyu ng kanilang umano'y hiwalayan.