
Maagang nagpakilig sa Unang Hirit kaninang umaga (November 18) ang Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos nang sumabak sila sa 'Who's who' challenge.
Isa sa mga tanong ay kung sino ang mas matagal mag-ready o mag-prepare tuwing may lakad sila. Pareho naman ang sinagot ng dalawa na si Khalil 'yon.
Sagot ni Gabbi, "Ito 'yun. Kasi 'di ba lagi 'yung notion babae pero [si Khalil]."
Paliwanag naman ni Khalil, "Hindi, kasi ikaw kasi maaga ka mag-prepare. Ako mabilis ako mag-prepare before 5 minutes before."
Dagdag ni Gabbi, "Gigising lang siya ng 10 minutes before t'as saka siya magpe-prepare so parang ang bagal."
Sang-ayon naman si Khalil sa sinabi ni Gabbi. Saad niya, "'Yun nga, masyado akong kampante kaya laging may delay tuloy."
Hindi rin nakaligtas si Gabbi sa panggugulat ni Khalil nang magkaroon sila ng 'Quarantine pictorial.'
Panoorin ang buong interview ni Lhar Santiago kina Khalil at Gabbi sa video sa itaas. Kung hindi naglo-load nang maayos ang video, maaari itong mapanood DITO.
Ngayong pareho na silang Kapuso, magkakasama sina Gabbi at Khalil sa romance mystery primetime series na Love You Stranger.
Si Khalil rin ang guest ni Gabbi sa pilot episode ng youth-oriented reality show na In Real Life na mapapanood na bukas, November 19, 9:15 pm sa GMA News TV.