What's Hot

Pinoy fans ni BTS member Park Jimin, namahagi ng pagkain sa frontliners

By Dianara Alegre
Published November 19, 2020 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Park Jimin


Ipinagdiwang ng Pinoy fans ang birthday ni BTS member Park Jimin sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs sa frontliners.

Ipinagdiwang ng Pinoy fans ang birthday ng South Korean idol na si Park Jimin, miyembro ng K-pop boy group na BTS, sa pamamagitan ng paghahanda at pamamahagi ng mga pagkain para sa mga frontliner.

Park Jimin

Source: bts.bighitofficial (IG)

Ayon sa grupong Jimin Events Philippines Fanbase, ang proyektong ito ay kaugnay ng advocacy ni Jimin.

“Du'n sa Korea mahilig siya mag-donate sa mga school and since nag-start 'yung pandemic, lagi niyang kino-consider mga frontliner kaya naisip namin na 'yun 'yung naging theme sa birthday na maging thankful sa frontliners,” lahad ni Cathy Escobel, admin ng Jimin Event Only.

At kasabay ng birthday ni Jimin nitong October, ay namahagi naman ng food packs ang grupo sa mga itinuturing na modern hero.

“Nag-donate po kami ng food packs and nagbigay din kami ng cake sa dalawang hospital po dito sa Manila. 'Yung ng apo 'yung San Lazaro at Jose Reyes. Then mayroon din po kaming event sa Cagayan,” ibinahagi ni Aiza La Madrid, admin ng Jimin Event Only.

Pinoy fans ni BTS member Park Jimin namahagi ng pagkain sa frontliners

Maagang pamasko na rin daw nila ito sa mga taong patuloy na isinusugal ang kanilang mga buhay para sa taumbayan.

Arci Muñoz names her plot of land after BTS member Jimin