
Handa nang magpakilig si Kelvin Miranda sa kanyang bagong photos sa pagbibidahang fantasy-romance series ng GMA Public Affairs.
Si Kelvin ay gaganap bilang Harvey Napoleon sa The Lost Recipe at makakatambal sa unang pagkakataon si Mikee Quintos.
Bago pa man magsimula ang kanilang lock-in taping, ipinakita muna ni Kelvin ang kanyang new look sa isang photo shoot. Dito makikita ang resulta ng kanyang diet bilang paghahanda para sa The Lost Recipe.
Photo source: The Lost Recipe
Sa ginanap na story conference, pinuri na ni Mikee si Kelvin sa kapansin-pansin nitong pagbabago sa pangangatawan. Saad ni Mikee sa aktor, "Pumayat na si Kelvin, nakakainis e!"
Ang isa pang co-actor ni Kelvin na si Thea Tolentino, nagsabing napansin na nila sa story conference ang resulta ng diet ni Kelvin.
Abangan ang pagpapakilig ni Kelvin soon sa The Lost Recipe.
Kelvin Miranda, ikinalungkot ang mga pagbabago sa showbiz dahil sa COVID-19
Kelvin Miranda serenades viewers with 'Mabagal'