GMA Logo Carmina Villarroel at John Estrada
What's on TV

LOOK: Carmina Villarroel at John Estrada, sumabak na sa lock-in taping ng 'Babawiin Ko Ang Lahat'

By Aedrianne Acar
Published November 23, 2020 3:52 PM PHT
Updated January 11, 2021 8:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PhilSA warns of China rocket debris near Puerto Princesa, Tubbataha
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel at John Estrada


Safety and health ang priority ng buong management ng GMA-7 sa pag-uumpisa ng lock-in taping ng 'Babawiin Ko Ang Lahat.'

Full steam ahead na ang taping ng pinakabagong Kapuso series na Babawiin Ko Ang Lahat na pinagbibidahan ng ilan sa pinaka-respetadong artista sa mundo ng showbiz.

Ilan sa mga bida nito ay sina Carmina Villarroel, John Estrada at Tanya Garcia.

Makakasama din nila dito ang mga talented GMA Artist Center stars tulad nila Dave Bornea, Kristoffer Martin, Manolo Pedrosa at Liezel Lopez.

Ang Babawiin Ko Ang Lahat ang magsisilbing big break ng promising drama actress na si Pauline Mendoza na magiging lead sa unang pagkakataon.

May pasilip na rin ang production team ng lock-in taping nila sa Batangas kung saan makikita sina Carmina at John habang nagti-taping.

Mapapansin sa larawan na mahigpit na sinusunod ang safety protocol sa shoot kung saan naka-mask ang lahat ng kasama sa taping.

Bukod dito, ipina-swab test din lahat ng kabilang sa production bago ang lock-in taping ng Babawiin Ko Ang Lahat para maprotektahan sila from COVID-19.

For more updates and exclusive content on Babawiin Ko Ang Lahat and other Kapuso programs, visit GMANetwork.com!

RELATED CONTENT:

GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'

EXCLUSIVE: Pauline Mendoza reveals true feelings on getting first teleserye lead role