
Inamin ni Myrtle Sarrosa na hindi naging madali ang pagbuo ng isang virtual concert sa gitna ng pandemic.
Si Myrtle ay magkakaroon ng Myrtle: Still Love Me virtual concert sa darating na November 28.
Photo source: @myrtlegail
Ang mga limitations at protocols ang isa pang naging challenge sa pagbuo ng concert.
Saad ni Myrtle, "'Yung limitations rin namin sa mga crew who can help with the concert, kailangan lahat kami nakapag-swab test, kailangan lahat kami healthy. Kailangan laging may mask and social distancing."
Pati umano sa pag-rehearse ng song and dance numbers ay kailangan niya umanong mag-mask kaya minsan ay nahihirapan siya sa paghinga.
"'Yung sobrang hirap talaga 'yung nagpa-practice kami ng dance rehearsal tapos naka-mask tapos kumakanta ka pa."
Kahit nahihirapan ay ginagawa nila ito para masigurong safe sila sa COVID-19 habang naghahanda sa kanyang concert.
"You have to comply with it because gusto rin natin to keep safe ang lahat ng tao."
Mapapanood ang Myrtle: Still Love Me concert ngayong November 28 at 8:00 p.m. with Gerald Santos at iba pang surprise guests.
What inspires Myrtle Sarrosa's songwriting?
From game streaming to vlogging? "Game naman ako" says Myrtle Sarrosa