
Para sa ika-20 anibersaryo ng GMA Public Affairs show na Imbestigador ay itatampok ang istorya ng GMA News Pillar at host ng show na si Mike Enriquez.
Si Descendants of the Sun actor Rocco Nacino ang gaganap bilang si Mike naturang anniversary special.
“Napaka-espesyal ng episode na ito ng Imbestigador dahil ito ang anniversary special at ide-dedicate kay Sir Mike Enriquez,” ani Rocco nang makapanayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago sa Unang Hirit nitong Miyerkules, November 25.
Abangan ang anniversary special ng Imbestigador sa GMA.