GMA Logo Jelai Andres at BNT
What's Hot

KMJS: Relief operations nina Jelai Andres, BNT, Ghost Wrecker, at Queen Wrecker

By Dianara Alegre
Published November 25, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres at BNT


Ilan ang influencers na sina Jelai Andres, Ghost Wrecker, Queen Wrecker, at BNT sa mga personalidad na naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Ginamit ng influencers o vloggers, streamers at iba pang personalidad na may malaking following sa social media ang kanilang impluwensiya para makatulong sa mga nangangailangan sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.

Ilan na sa kanila ang vlogger at Owe My Love actress na si Jelai Andres, Ghost Wrecker, Queen Wrecker at grupong BNT.

Ang couple na sina Elyson Edouardo Caranza (Ghost Wrecker) at Karla Mae Golosinda (Queen Wrecker) ay kilala sa Mobile Legends community.

Gaya ng mga ibang rumesponde sa mga residenteng naapektuhan ng malawakang pagbaha at power outage dulot ng malakas na ulan at hanging dala ng bagyo, hindi nagpapigil si Elyson para maghanap at bumili ng oxygen tank para sa isang sanggol na nangangailangan nito.

Elyson Edouardo Caranza at Karla Mae Golosinda

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (FB)

Samantala, biglang pagtanaw ng utang ng loob sa mga taga-Rizal na madalas umanong mag-imbita sa kanya sa mga okasyon, personal si Jelai na naghatid ng tulong sa mga residente ng San Mateo, na labis ding binaha dahil sa bagyo.

Katuwang niya sa relief operation si Kapuso actress Kim Rodriguez.

“Naaawa ako sa kanila. Lagi kong iniisip paano kung ako 'yun? Paano kung family ko 'yun?” ani Jelai nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Bukod dito, nagtungo rin ang aktres sa San Mateo dog compound para maghatid ng pet food at vitamins na na-rescue sa baha.

“Mas blessed 'yung pakiramdam kasi iba 'yung kapalit na kasiyahan na ikaw 'yung nakapagbigay. 'Yung feeling na 'yon, hindi mapapalitan ng kahit ano,” aniya pa.

Jelai Andres at Kim Rodriguez

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (FB)

Itinuloy naman ng BNT o Bakla Ng Taon ang grupong binuo ng yumaong sikat na vlogger na Lloyd Cadena, ang adhikain ni Lloyd na makatulong sa mga nangangailangan.

Naglunsad ang ilang miyembro ng grupo ng kanya-kanyang donation drive para makakalap ng mga pondo, pagkain, at mga gamit na ido-donate sa mga nasalanta ng sakuna.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (FB)

Panoorin ang espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa pagkakawanggawa ng mga ito: