
Hindi maitago ng Kapuso teen actress na si Jillian Ward ang tuwa dahil sa biglaang pagdami ng kanyang followers sa social media.
Sa katunayan, may mahigit 6 million followers si Jillian sa kanyang official Facebook page at 2 million sa kanyang Instagram.
"Hindi po ako nag-e-expect talaga. Ine-expect ko lang po is lagi kong gagalingan pero hindi ko po ine-expect 'yung gaano po kadami 'yung followers na mage-gain ko, or ano po'yung magiging ratings po namin," saad ni Jillian sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com.
Kasalukuyang bumibida si Jillian sa afternoon drama na Prima Donnas.
Pagpapatuloy niya, "Kumbaga, lahat 'to parang surprises po ni God. Almost laging hindi po ako prepared sa mga binibigay niya pong super big blessing sa amin so lagi po akong nagugulat."
"Gusto ko po 'yun about me kasi hindi ko po tine-take 'yung success po namin sa show or as an individual, 'yung mga success po na binibigay ni Lord, hindi ko po 'yun tine-take for granted. Kumbaga, lagi po akong nasa-shock."
"So ngayon po na ang dami ko pong nage-gain na followers, nasa-shock din po ako na ang bilis po, ang bilis po talaga dumagdag.
"Hindi ko po ine-expect, sobrang saya ko lang talaga."
Bukod sa pagiging actress, isa ring social media star ang 'Prima Donnas' star na si Jillian Ward na mayroong milyun-milyong followers. / Source: jillian (IG)
Dahil sa biglaang pagdami ng followers ni Jillian, bigla rin ang pagdami ng kanyang bashers.
Aniya, "Minsan po kasi 'yung sobrang liliit na bagay na parang ako po, hindi ko po alam na mali po siya, ang dami pong nagko-correct po sa akin."
"Dati po kasi parang more on talagang nagagalit po 'yung mga tao. Ngayon, mas understanding na po 'yung mga tao, lalo na po sa mga minors din. Buti naman po.
"Ngayon more on correcting us po."
Bungsod nito, may aral na nais ibahagi ang batang aktres.
"Dapat po 'yung pino-post n'yo po sa social media is sure po kayo na ipo-post n'yo po talaga 'yun. So think before you click."
"Kasi nga hindi lang po ikaw 'yung makakakuha po ng backlash, e. Kumbaga, ang dami mo rin pong na-i-inspire na mga tao.
"Kumbaga, ako po marami po akong followers na mga bata so mine-make sure ko po na safe po 'yung mga pino-post ko po."
Panoorin ang buong pahayag ni Jillian sa itaas. Kung hindi naglo-load ang video, pumunta DITO.
Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes si Jillian sa afternoon serye na Prima Donnas, kung saan kasama niya sina Althea Ablan at Elijah Alejo.
Kilalanin pa ang ibang cast ng Prima Donnas sa gallery na ito: