
Unti-unti nang nabubuo ang mga eksena sa Owe My Love ngayong nagsimula na ang lock-in taping ng cast ng upcoming Kapuso rom-com series. Si Lovi Poe, masaya hindi lamang sa pagbabalik-trabaho ngunit pati na rin sa chance na makasama sa aktingan ang nag-iisang Philippine Comedy Queen na si Aiai Delas Alas.
Ipinasilip ni Lovi ang kanyang character bilang si Pasencia Guipit o Sensen sa kanyang Instagram account.
Pag-amin niya, dream come true rin daw na makaeksena niya si Aiai.
Bahagi niya sa kanyang Instagram Story, “It was once just a dream to share the screen with the one and only Comedy Queen.”
Gaganap si Lovi bilang isang delivery service driver at all-around raketera sa negosyong pagmamay-ari ni Aiai bilang si Vida.
Ang Owe My Love ay mapapanood na sa 2021.