
Sa paghahanap ng katotohanan, mas marami pang sikretong mauungkat sa office mystery drama na VIP.
Bahagi si Janine (Jang Na-ra) ng VIP management team ng tanyag at eksklusibong Sung Un Department Store.
Kasama niya sa trabaho ang kanyang asawang si Simon (Lee Sang-yoon) na nagsisilbing team leader ng kanilang grupo.
Inakala ni Janine masaya at perpekto na ang pagsasama nila ni Simon hanggang makatanggap siya ng isang misteryosong text na nagsasabing pinagtataksilan siya ng kanyang asawa.
At ang babae nito, isa sa mga katrabaho nila sa VIP management team.
Tatlong babae sa kanilang team ang paghihinalaan ni Janine.
Kababalik pa lang ni Eula (Lee Chung-ah) sa trabaho matapos ang isang taong pahinga matapos ang iskandalong kinasangkutan niya at ng isang boss sa kumpanya.
Naghahabol naman ng promotion si Mina (Kwak Sun-young), na anim na taon nang nagtatrabaho sa VIP management team pero laging naba-bypass dahil sa madalas na maternity leave.
Tampulan naman ng office gossip si Yuri (Pyo Ye-jin), na nagsimula bilang isang promo girl na namimigay ng fliers pero agad na natanggap sa VIP management team.
Sino sa kanila ang kabit?
Abangan ang huli at pinakamatinding handog ng GMA Heart of Asia ngayong taon--ang office mystery drama na VIP, simula November 30, Lunes hanggang Huwebes 10:50 pm pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.
Samantala, kilanin pa ang mga tauhan ng serye sa gallery na ito.