What's Hot

Alden Richards, personal na naghatid ng tulong sa nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina

By Dianara Alegre
Published November 27, 2020 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

More airport passengers recorded during holidays in 2025 vs. 2024 – MIAA
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Inihatid ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang relief packs para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina nitong Huwebes, November 26.

Laking tuwa ng mga residente ng Marikina nang personal na maghatid ng donation si Multimedia Star at Centerstage host Alden Richards sa kanilang lugar, nitong Huwebes, November 26.

Ang donasyon ay mula sa nalikom ng actor-host sa charity livestream ng kanyang AR Gaming page noong isang linggo.

Alden Richards

Source: leysam17 (IG)

Bukod dito, nagpaabot din ng tulong ang fans ni Alden para sa mga nasalanta.

“Nagkaroon tayo ng charity stream last week for AR Gaming para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses,” sabi ni Alden nang makapanayam ng 24 Oras.

Hindi likas na isinasapubliko ng aktor ang kanyang charity works, ngunit sa pagkakataong ito nais niya raw makita ng mga nag-donate ang resulta ng kanilang pagmamalasakit.

“Actually, marami naman talaga sa mga nakakakilala sa akin, I don't really publicize my charity work but I want to be transparent to the viewers dun sa mga nag-donate since it came from their pockets. Gusto kong makita nila na may mapupuntahan 'yung ini-donate nila,” aniya.

Samantala, handang-handa na rin siya sa 10th anniversary offering niyang “Alden's Reality,” na isang virtual reality concert.

Kaunti na lamang ang natitirang VIP tickets na mabibili at halos sold-out na.

Ito ang unang beses na magkakaroon ng virtual reality concert sa bansa.

“Sobrang proud po kami sa nagawa naming trabaho. So, kahit ano pa man 'yung outcome it's a milestone for all the people that's involved in that production.

“Excited din po ako na on the 10th year sa aking pamamalagi sa industriya, may maibibigay tayong bago sa mga Kapuso natin at sa lahat ng sumusuporta sa 'kin. Para sa kanila 'yon,” sabi pa ni Alden.

Gaganapin ang kanyang concert sa December 8.

Alamin kung paano makakabili ng tickets DITO.

Silipin din ang ilan sa mga nakabibighaning larawan ng Asia's Multimedia Star.