GMA Logo Rocco Nacino in a relief operation in Marikina
What's Hot

Rocco Nacino, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina

By Jansen Ramos
Published November 27, 2020 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino in a relief operation in Marikina


Ang Marikina ay isa sa mga lubos na binaha dahil sa pag-apaw ng tubig sa Marikina River bunsod ng Typhoon Ulysses.

Naghatid ng tulong ang actor/navy reservist na si Rocco Nacino sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses sa Provident Village, Marikina kamakailan.

Ang Marikina ay isa sa lubos na binaha dahil sa pag-apaw ng tubig sa Marikina River bunsod ng bagyo.

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Nakipagtulungan si Rocco sa Philippine Navy, mga grupong Task Force Stars at Class Matatag, barangay officials sa Tañong, at maging sa dating guro ng Kapuso star para maisagawa ang relief operation.

Ang nalikom nilang donasyon na mula sa relief drive ni Rocco--Help From The Heart--ay pinambili nila ng balde, bigas, tsinelas, gamot, at pang-linis ng damit at bahay na ipamimigay sa mga residente ng Marikina na naapektuhan ng Typhoon Ulysses.

Nakipagkwentuhan din si Rocco, kasama ang kanyang fiancee na si Melissa Gohing, sa mga residente roon para magbigay-saya.

Bago ito, nakiisa si Rocco sa pamamahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa Dela Costa 5, Rodriguez, Rizal noong November 15.