GMA Logo Manny Pacquiao and kids wearing his face mask
What's Hot

Manny Pacquiao, may mensahe tungkol sa face masks na may disensyo ng kanyang mukha

By Cherry Sun
Published November 27, 2020 2:08 PM PHT
Updated November 28, 2020 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Moderate to heavy rain in parts of PH on non-working holiday Monday
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Manny Pacquiao and kids wearing his face mask


Talagang mapapangiti kayo sa face mask na may mukha ni Manny Pacquiao!

Hindi lang ayuda ngunit pati na saya ang hatid ni Manny Pacquiao ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Manny Pacquiao

Ibinahagi ng boxing champ-turned-politician sa kanyang social media accounts ang litrato ng dalawang batang lalaki. Kinagiliwan niya ito dahil suot-suot ng mga bata ang face masks na may disensyo ng kanyang mukha.

Hindi man malinaw kung kay Manny nagmula ang face masks, naghatid naman siya ng paalala sa kanyang post.

Aniya, “Let's continue to spread happiness.”

Isang post na ibinahagi ni Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

Ang pagsuot ng face mask ay mariin pa ring kailangan ngayon bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Samantala, silipin ang buhay ni Manny at kanyang pamilya habang naka-quarantine sa GenSan:

BASAHIN DIN: Manny Pacquiao wants children to experience their hardships in life