
Kinumusta ng Brigada ang kalagayan ng magkapatid na sina Danica “Bilog” Tiongson at Bunak Tiongson makalipas ang tatlong taon mula nang mag-viral ang kanilang video.
Ayon sa kanila, malaki raw ang naitulong ng kanilang pagsikat sa social media sa kabuhayan ng kanilang ina na nagtitinda ng mga kakanin.
“Kasi po kapag hindi ko po siya tinulungan mababa lang po 'yung makikita niya. Hindi po siya makakabayad nang sapat sa ilaw, tubig, kuryente,” sabi ni Bilog.
Ngayon ay Grade 8 na si Bilog habang Grade 5 naman si Bunak.
“Pangarap ko po talaga magpatayo ng sarili kong bahay kasama sila. 'Pag umangat po ako, gusto ko aangat din silang lahat. Ayoko pong iwan sila,” sabi pa ni Bunak.
Pero ang tanong, palagi pa rin kaya silang nag-aaway ngayon?
Panoorin ang pagtatampok na ito ng Brigada sa viral stars na sina Bilog at Bunak, Badjao Girl, at Pabebe Girls: