
Pagbalik sa Pilipinas mula sa ilang buwang pamamalagi sa Hong Kong, sumabak na kaagad si Kapuso actor Migo Adecer sa lock-in taping ng seryeng Anak ni Waray vs Anak ni Biday.
Sa Hong Kong inabutan ng lockdown si Migo at sa panayam ng 24 Oras, ibinahagi niyang naging mabuti ang pamamalagi niya roon sa kabila ng pandemya.
Source: migo.adecer (IG)
“Sa Hong Kong hindi masyadong strict unlike rito sa Pilipinas. Pwede kami lumabas, kahit 'yung extra activities na pwede gawin sa labas.
"Parks were open, beaches, breakout rooms, lahat. Walang change du'n 'yung mask lang talaga, regular sanitizing,” aniya.
Ilang raw nang nasa taping ng nabanggit na serye si Migo at bumilib siya sa new normal taping para rito.
“Very efficient as in. We start in the morning get so many scenes done and finish by 8:00 p.m 9:00 pm.
"And then same routine the next day. It was well planned out. All locations were planned out very well,” aniya.
Samantala, bukod sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday, bibida rin ang aktor sa upcoming series ng GMA Public Affairs.
Ang naturang proyekto umano ang magbibigay sa kanya ng pagkakataong gampanan ang role na malayo sa mga nauna na niyang ginampanan.
“He's a very sad person and he uses humor as his defense mechanism.
"You can see that he's hiding a lot of pain and he doesn't show who he really is around the people, especially the people that he cares about,” lahad niya.